Educational
Background:
Ako po si Jemil Bautista, isang Senior Broadcast Arts Major sa University
of Makati at direktor ng dokumentaryong Graveyard Shift. Kasama ko sa
paggawa nito ang mga kaklase kong sina Jay-ar Caber (Soundman), Ariel
Alarcon (Videographer), at Ellen Borbolla (Editor).
Nagsimula ang adventure ng aming grupo nang sumali kami sa "Ordinary
People Workshop". Limang miyembro ang kailangan para makasali rito,
apat lang kami. Sakto naman at naghulog ang langit ng isang mayamang
nilalang mula sa DLS-CSB sa katauhan ni Raymund Cruz na graduate ng
Production Design sa naturang eskwelahan. Siyempre, siya ang ginawa
naming producer
Interests:
Bagamat iba't-iba kami nang katauhan at hilig, nagkakasundo naman kami
pagdating sa panonood ng mga pelikula at dokumentaryo. Lubos ang kagalakan
namin ng makagawa kami, bilang isang grupo, ng isang dokyu. Siguro,
nahanap namin sa isa't-isa ang kalidad ng nilalang na masarap kasama
sa mga susunod na produksyong maiisipan naming gawin.
ABOUT THE FILMMAKERS' DOKYU:
Why did you choose that topic to be your documentary?
Napili namin si Mang Tolits bilang case study dahil (1) nakilala na
namin sya nung gumawa kami ng documentary project sa klase (2) pasok
na pasok ang katauhan nya sa hinahanap nang "Ordinary People"
Workshop. Sobrang dami ng kwento nang taong ito kaya nakakaaliw talaga.
Tapos malapit lang sa gusali ng Alliance Française de Manille
‘yung sementeryo kung saan siya nagtatrabaho (as in tatawid ka
lang!).
Who
influenced you in producing your documentary? Why?
Ang aming pangkat ay lubos na naimpluwensyahan ng workshop ni Jean-Michel.
What do you think is your strength and weakness in handling stories
of other people?
Sa aming palagay, hindi ka puwedeng maging dokumentarista kung control
freak ka. Naniniwala kami na ang kahahantungan ng isang dokumentaryo
ay nakasalalay sa kwento ng buhay ng tao o pangyayari ng kinukuhaan
mo ng bidyo. Kung ipipilit mo ang mga bagay na naisip mong lalabas sa
bidyo nung pre-prod nyo, mabibigo ka lang... gumawa ka na lang ng fiction.
What is the significance of making a documentary?
Mahalaga ang dokumentaryo dahil sumasalamin ito sa mga tunay na kaganapan
sa ating kapaligiran. Kasing simple man ng istorya ng magbabalot o ng
kartero, o tungkol sa isang batang may malubhang sakit pero nakukuha
pang tumingin sa "brighter side of life", o sa masayang pista
sa Cebu, lahat ito may isinisigaw na isyu tungkol sa realidad na kinabibilanagan
natin. Minsan, masyadong mataas ang tinatanaw natin, samantalang ang
kasagutan lang pala sa mga tanong na ipinupukol mo sa langit ay kayang
sagutin ng kapwa mo na inaakala mong mangmang at walang kapasidad na
maglabas ng opinyong makapagbabago sa buhay at pananaw mo.
How do you select your topic or theme for your documentary?
Masayang kunan ang buhay ng mga karaniwang tao sa Pilipinas. Sa harap
kasi ng kamera lumalabas ang karakter natin na pala-kwento. Sa sobrang
diverse ng ating kultura, lumalabas ang mga opinyong pinagtagpi-tagpi
ng iba't-ibang impluwensya sa buhay natin. Madalas, mga pulitiko't prominenteng
tao ang laman ng telebisyon o mga bidyo. O di kaya'y mga extra ordinaryong
kaganapan sa kapaligiran. Wala o di kaya'y sobrang igsi ng puwesto para
sa kaisipan ng mga mamamayan na may malaking ginagampanan sa ating lipunan.